Mga Natutunan ko sa Filipino


Sa unang pagpasok ko pa lamang sa Aking strand ay meron na agad akong natutunan, tulad ng kung paano maging totoo sa sarili. Tulad  sa una naming itinalakay sa Filipino, natutunan ko kung ano talaga ang sariling atin.
  Unang-una sa Wika, kung ano-ano ang mga Wikang Panturo, Wikang Opisyal, barayti ng wika at ang mga katangian nito. Ang sunod naman ay kung ano-ano ang mga tungkulin ng ating wika na ang bawat salita ay may kanya kanyang katangian.Bawat salita ay may kanya-kanyang tungkulin.
  
  At ang mga Pananakop ng iba't ibang bansa  sa ating mahal na bayan, kung paano nila tayo pinahirapan,inalipusta,binaboy,inalipin,naging sunod sunuran, kung paano tayo tinulungan at pinamulat.
Natutunan at nalaman ko rin kung paano maging matatag at naging matatag ang mga pilipino.
   Nalaman ko rin na sadyang napaka TATAG at MATIBAY tayong mga pilipino dahil nalabanan natin ang mga pagsubok na dumating sa atin, kahit maraming nagbago obinago sadyang hindi talaga tayo nagpadala sa kanila at sadyang pinatatag talaga ng mga pilipino ang kung ano man ang totoong atin.at kung sino-sino ang mga  tumulong sa atin.
  
Tayo ay naging malaya dahil tayo ay MATATAG,MATALINO,MAPAGMAHAL,MAY RESPETO at higit sa lahat tayo ay MAY TAKOT SA DIYOS.

  Nagsilbing aral ito sa akin, sadyang Marami ka talagang matututunan sa iyong Bansa kung ano at paano nangyari ang mga bagay-bagay lalo pa't sinabayan ng Maganda,mabait at magaling na guro na si Gng. Perez!

 SADYANG MGA MAGAGALING TALAGA ANG PILIPINO!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Darren Espanto